SYD’S Point of View Pinahanda ko na kay Yaya Nida ang hapag kainan at pina-tawag ko si Erl, Kuya Clark at Denise. Nag-ring ang telepono at nasagot ng isa ko pang kasambagay. "Sir Syd, sa guard house po." Inabot ko ang telepono na ibinigay ng kasambahay. "Yes?" tipid na sagot ko. "Sir Syd, nandito po si Resty Anderson. Gusto maka-usap si Ma’am Laura. Papasukin ko po ba?" "Sige!" Binaba ko ang telepono at tumingin ako kay Laura. "Papunta dito si Resty, gusto ka maka-usap." "Bakit kailangan pa niya ako puntahan dito?" Angil ni Laura. "Salubungin na natin, padating na iyon." Kinuha ko ang kamay ni Laura habang papalakad sa pintuan. Saktong huminto ang isang kotse at bumaba doon si Resty na naka-saklay. Malamig ko siyang tinitigan. "What are you doing here?" Malamig na tanong ko kay R

