ERL WALTON’S Point of View Nagulat ako sa mga bumisita sa bar. Si Kuya Maxx at Kuya Howard. Sila ang dalawa sa matatalik na kaibigan ni Kuya Syd. "Hey bro, congrats sa business mo. Nag- mamature ka na talaga." masayang bati sa akin ni Howard. "Thanks, Kuya. Doon na kayo sa 2nd floor umupo. Libre ko na pulutan niyo." "Wow!!! Ang sarap pa lang uminom dito! May libreng pulutan pa." ngising sabi ni Maxx. Inistema ko ang mga ito hanggang dumating si Kuya Syd. Pagdating ni Kuya ay malamig naman akong tinanong nito kung bakit hindi ako nakauwi. “Syempre magdadahilan ako dahil hindi pwede malaman ang nangyari sa amin ni Alice. Lagot ako kay Ate Laura!” Ilang araw itong hindi nagpakita sa akin. Nalaman ko na nga lang na umuwi pala ito ng Batangas dahil nagkaproblema sa pamilya. Hindi na gaano

