LAURA’S Point of View Pinuntahan ako ni Amanda bandang hapon. Niyaya ako nitong lumabas dahil inip na inip na siya. Pinagbigyan ko na ito dahil maganda kung makakapag bonding kaming dalawa. Doon kami sa mall na pinagtatrabahuhan ni Hans nag-punta. Nami-miss ko na siya dahil ang tagal na din hindi kami nagkita at nagkwentuhan. "Amanda, pwede bang umakyat lang tayo sandali sa admin office? Puntahan ko lang si Hans." "Sure." tango nito. Tinungo namin ang admin office at mabuti na lang nakasalubong na namin si Hans na kakalabas lang din sa pintuan. "Hans!" magiliw na sabi ko sabay lapit sa kanya upang yakapain at halikan ito sa pisngi. "Dinaanan na kita dahil ang tagal na din ng huli tayong nag-kita.' "Alam mo naman ang asawa mo, napaka-strikto, but of course nag-aalala lang iyon na mapa

