AMANDA WALTON’S Point of View Natakot ako sa mga putok ng baril na narinig ko. Patuloy pa din ang iyak ko dahil sa takot. Napalingon ako sa pintuan ng sapilitan iyon buksan. Doon natanawan ko ang mga pulis. Sa mismong harapan ko ay bumulagta din ang lalaking nananakot sa akin. Napasigaw ako sa sobrang takot. Napaangat ang tingin ko sa mga pulis na nagtanggal ng tali sa kamay at paa. Ni ising salita ay wala akong nasambit. Nagpatangay ako sa mga ito kung saan ako dadalhin. Paglabas ng bahay ay naroon ang ambulansya. Pagkahiga ko roon ay nasilaw ako sa ilaw. Marahil iba ang reaksyon ng mata ko dahil madilim ang aking paligid kanina. Marahan kong pinikit ang aking mga mata. “Gusto ko munang magpahinga!” Nagising ako sa kamay na humahaplos sa mga kamay ko. Dahan-dahan kong minulat ang mata

