SYD’S Point of View Gustuhin man ng mga pulis na iwan ako ay nagpumilit pa rin ako sumunod sa mga ito. Hindi ako mapapakali kung nandito lang ako at naghihintay. Ginalugad na namin ang iba palapag pero ni anino ni Laura at Amanda ay wala roon. Paakyat sa huling palapag ay doon narinig na namin ang usapan ng mga ilang lalaki. Pag-akyat ko kasama ng mga pulis ay tinutukan na ng mga baril ang mga ito at kinuha ang mga armas. Ilan lamang ang mga ito kaya hindi na naglaban pa. Nang hindi ko makita doon si Amanda at si Laura ay napasuntok ako sa lalaki. "Nasaan ang asawa ko at kapatid ko?" galit kong tanong habang hawak ang kwelyo nito sa sahig. Hindi na din nagsalita ang lalaki sa takot at tinuro na lang nito kung nasaan ang mga ito. Dinertso ko ang tinuturo ng lalaki kasama pa ang tatlong

