LAURA’S Point of View Hindi ko inaasahan na magkakaroon agad ako ng problema pagbalik sa university. After two weeks semestral break, bad news agad ang sasalubong sa akin. Pinuntahan ako ni Gabby sa faculty at may pagmamadali na nagsalita. "Professor Laura, lumabas ka muna sandali. I have something to tell you." Tumayo ako sa aking kinauupuan at dumiretso palabas ng pinto. "Yes, Dean Lin. What can I do for you?" Malamig na tanong ko. "Are you really doing your job?" "Of course, huwag mo kwestyunin ang pagiging profesor ko." "Really? Kaya pala yung mga estudyante mo nakipag away sa mga seniors nila! Nandoon sila ngayon sa police station. Now hurry, kailangan pa natin sila puntahan." "Ano?" Gulat na tanong ko. "Sandali lang kukunin ko lang yung bag ko." Nagmamadaling pumasok sa facul