LAURA’S Point of View Nag-iisip habang tinitignan si Syd. “Kapag nalaman ba niya ang pinagdaanan ko, pipiliin na niyang pakawalan at tigilan ako?” Iyan ang sabi ko sa aking isip. Bumuntong hininga ako at nagpasya na sabihin sa kanya ang aking mabigat na dinadala. Gusto ko ipaunawa sa kanya na kahit ano pang gawin niya ay wala na siyang aasahan sa akin. "I witness kung paano mag-away ang pamilya ko at ng mga Anderson. Palagi kaming ginugulo ni Resty, lalo na ang nanay ko. Lumala ang depression ni nanay dahil sa mga nangyayari sa pamilya namin. Lahat ng pang-aapi ginawa ng mga Anderson kay nanay lalo na ang asawa ni Resty." Galit ang tono kong nagsasalita. "Simula noon, sinabi ko sa sarili ko na kahit kailan hindi ako makikipag socialize sa mga taong katulad niyo. Kayong mayayaman at ma