RESTY ANDERSON’S Point of View Nagmamaktol si Hilda na makitang papaalis na si Laura. "Dad, hahayaan mo na lang bang ganun ang ugali niya?" Tumingin ako kay Hilda. "Ikaw naman! 'Di ba sabi ko sa iyo 'wag ka muna lalabas ng kwarto? Hanggang hindi pa nakakalabas si Yuan? Bakit nagmamadali ka kasi?" "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng malanding 'yun sa akin? Gusto niya ako ang ipakilala mo kay Yuan. Siya ang panganay, tapos ipapasa niya sa akin! Anong lakas ng loob niya para kalabanin ako?" inis na sagot sa akin ni Hilda. Nag hihisterical na ito. "Dad, the more na iniisip ko ang tungkol sa kanila ni Syd, hindi ako makapaniwala. Paano siya napalapit kay Syd?" dagdag nito habang nagngingitngit sa galit. "Ibig sabihin, may gusto talaga sa kanya si Syd Walton." kaswal na tugon ko sa aking an