LAURA’S Point of View "Laura." Tawag niya sa akin habang paakyat ako ng building. "Enjoy your snack. Magpahinga ka nang maaga." "Ayaw mo bang umakyat?" yaya ko. "Kung gusto mo, pwede naman. Tutal marami pa akong hindi nasasabi tungkol sa aking nararamdaman." Ngising tugon sa akin. "Ito na naman... 'Wag ka na umakyat," saad ko. "Ako na lang kakain mag-isa ng mga cakes na ito." Taas ko ng kamay dala ang bigay niya. "Pagkatapos mo kumain, just take a selfie para malaman ko kung nagustuhan mo talaga ang binili ko sayo." Tinitigan ko lang si Syd. "So wala talaga siyang balak umakyat?” Tanong ko sa aking sarili. Dati kahit hindi yayain, umaakyat. Ngayon, ayaw? “Weird!" sabi ko sa aking sarili. "Sige. Mag-ingat ka sa pag da-drive." Ngitio kong turan. "Umakyat ka na! Aalis na ako pag naki