SYD’S Point of View Nasa kalagitnaan na ng Hunyo ng magsisimula ang klase. Na-assign si Laura sa BA Building, kung saan tuturuan niya ang mahigit dalawampung daang estudyante. Inaabot siya ng alas nuebe sa faculty room dahil sa mga files na kailangan niyang tapusin na naging dahilan ng madalas kong paghihintay sa kanya. Ilang linggo na at ganun pa rin ang sitwasyon namin dalawa. Ilang beses akong patingin-tingin sa wristwatch ko. Muli, huminto na naman ang oras ng makita ang babaeng hinihintay ko. “Araw-araw ko na lang ba siyang makikita na ganito?” She looks really exhausted ng makita kong naglalakad na siya. Sinalubong ko siya with my smile. “How is your day? Pagod?” tanong ko habang hinihimas ang ulo ni Laura. “Medyo! Nakakapagod pero worth it naman. Masaya at nakakatuwa ang mga pas