LAURA’S Point of View Bubuksan ko na ang a pintuan nang marinig ko ang pinag-uusapan ng mga co-professor ko. Si Sonia ang naririnig kong nagsasalita. "Si Laura ang dahilan kung bakit tayo pinahihirapan ni Dean Gabby. Hindi ako naniniwala na gusto niya lang mag-trabaho dito sa university. Feeling ko, may hidden agenda siya dahil alam naman niyang magtuturo dito si Laura." "Pati tayo nadadamay dahil sa mga isyu nila. Hindi pa ba sila tapos sa isa't-isa? Alam ko nagkahiwalay sila dahil sa third party." Sabi ni Crystel Ruiz, na co-prof din nila. "Ano bang kamalasan ang meron tayong ngayong school year. Obvious naman na dahil pa din yun sa past nila. Bakit pati tayo sinasali nila sa mga unfinished issues nila? Napaka unfair talaga." Tugon ni Sonia. Teacher Georgia Tan interrupted them and