REAGAN MADILIM ang langit. Kung totoong marunong makisimpatya ito gaya ng kasabihan ng iba ay iisipin kong nakikisimpatya ito sa araw-araw na pagkamatay ng puso ko. Tatlong buwan na ang mabilis na dumaan pero parang kahapon lang ang lahat. May pagkakataon pa na minsan ay parang naririnig ko pa rin ang mabibining tawa ni Luna dito sa bahay. Nababaliw na nga siguro talaga ako. At kung may pagkakataon lang sana na balikan ang mga dating nangyari ay hinding-hindi ako magpapadala sa tukso para hanggang sa mga oras na ito ay kasama ko pa rin si Luna. Ang babaeng lahat lahat sa akin, na sa paglipas ng araw ay mas lalo kong napatunayan kung gaano ko kamahal. Hindi ko akalain na ang plano kong pakasalan siya sa simbahan sa araw ng kaarawan ko ay hindi na mangyayari dahil mawawala na pala siya sa b

