LUNA MALALAKI ang hakbang na nilisan ko ang condominium building na iyon habang tigbak sa luha ang mga mata ko. Ilang beses pa akong muntik ng mabangga sa poste maging sa mga tao dahil sa kaiiyak ko. Muntik pang may magalit sa aking isang matandang babae nang mabangga ko ito at muntik ng mag-tumba sa sahig kaya naman abot-abot ang hingi ko ng pasensiya. Mabuti na lang at napalis ang galit sa mukha nito nang makitang umiiyak ako. Sa huli ay tinanong pa ako nito kung ano ang nangyari sa akin at inalok pa ako na mag-kwento pero tanging iling lamang ang naisagot ko dito. Bukod sa estranghero ito ay ayokong malaman pa nito kung gaano ako ka-miserable. "Ma'am, okay lang ho ba kayo?" nag-a-alalang tanong ni Mang Jojo nang humahangos akong bumalik sa kotse at makita niya ang hitsura ko. Taranta

