REAGAN SOBRANG sakit para sa akin na hindi ako kinikibo ni Luna. Nahihirapan ako dahil gustong-gusto ko naman na siyang suyuin talaga pero nahihiya naman ako dahil alam kong mabigat ang mga binitiwan kong salita sa kanya. Ang totoo ay gusto kong bugbugin ang sarili ko, dahil sa sobrang galit ko ay nakalimutan kong kontrolin ang aking dila. Na-gi-guilty tuloy ako dahil sa lahat ng pinagsasabi ko kay Luna. Naparatangan ko pa siyang basta na lamang sumasama kung kani-kaninong lalaki kahit pa alam ko sa sarili kong maling-mali ako roon, dahil hindi ganoon ang asawa ko at sigurado ako roon.Bukod doon ay nasaktan ko siya ng pisikal. Nakaladkad ko siya at naisalya sa kwarto namin bagay na sobra kong ikinagagalit sa sarili ko. Hindi ako ganoon. Kahit kailan ay hindi ako nanakit ng babae pero dahi

