WELCOME to Sorsogon. Iyon ang nakita kong nakasulat sa arkong tinatahak ng sasakyan namin ngayon pagkatapos nang mahaba kong pagtulog. Iinat-inat na inunat ko ang mga kamay at umayos ako ng pagkakaupo. Napalingon ako kay Reagan na kahit sobrang haba na nang biyahe namin ay parang walang kapaguran pa ring nagmamaneho. "Good afternoon, Princess." Nakangiti si Reagan nang balingan ko siya sa harap ng manibela. Noon lang bumalik sa isip ko na papunta nga pala kami sa bakasyon na para sa aming dalawa lamang. "Hi! I'm sorry kung nakatulog ako, Babe," sabi ko saka ko siya dinukwang para halikan ko siya sa labi. "Hmmm...sarap," nakangiti nitong sabi. "It's okay, Sweetheart. So, welcome to Sorsogon! I hope na magustuhan mo dito katulad ng pagmamahal ko sa lugar na ito," makahulugan nitong sab

