Chapter 106

1784 Words

KINABUKASAN ay sumama na ring umuwi si Stella sa caregiver at driver nito. Ang usapang magpapakuha lang ito ng gamit ay hindi nangyari dahil hindi namin maintindihan kung bakit nagkukumahog itong umuwi na tila may hinahabol na kung ano. Pinigilan namin itong lahat pero maging si Wyler ay hindi nabago ang desisyon ng ina. Umalis pa rin ito kasama ang dalawa nitong tauhan, pero bago iyon ay kinausap muna nito ng matagal si Wyler. Hindi rin nakaligtas sa paningin namin ni Reagan na bago ito umalis ay mahigpit at matagal na niyakap muna ang anak na para bang ayaw ng pawalan.  "Baby, what does your Mommy told you earlier? Hindi ba kinausap ka niya?" masuyong tanong ni Reagan sa anak. Hapon na noon at nakahiga ito sa papag na nasa ilalim ng manggahan. Nakaunan ito sa mga hita ko habang nakaupo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD