Chapter 105

1742 Words

MABILISANG luto ang ginawa namin ni Daisy sa kusina. Hindi matapos-tapos ang kwento nito tungkol sa diumano ay nobyo nito ngayon na isang businessman sa bayan. Ayon dito ay napag-u-usapan na rin ng mga ito ang paglagay sa tahimik. Mayaman daw ito at kung anu-ano pa. Good for her. Simula pa lang kasi ay napansin ko na, na pangarap ni Daisy ang makabingwit ng matabang isda. Pero siguro ay normal lang iyon. Karamihan naman siguro sa mga babae ay iyon ang pangarap. Lalo na kung hindi naman ipinanganak na may ginintuang kutsara na nakasubo kaagad sa bibig kagaya namin ni Daisy. Isa pa ay wala namang masama roon lalo na kung wala ka namang natatapakang tao. Libre ang mangarap ika nga, kaya ba't ka pa mangangarap ng pangkaraniwan.  "Ikaw? Kumusta ka naman? Kwentuhan mo ako tungkol sa set up n'y

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD