"WHERE are we going, Dad?" "We are going to visit your Lolo Tino sa Pangasinan, baby. Titingnan natin 'yung mga tanim nating mangoes doon kung pwede na nating ibenta." Isa-isa kong ipinalabas ang mga bag na dala namin kay Mang Jojo para dalhin sa kotse. Sa Sorsogon ko sana gustong mag-bakasyon kami ni Luna at Wyler pero naalala kong may hindi nga pala magandang karanasan doon ang asawa ko. Ayokong bumalik na naman sa isip niya ang tungkol doon. Babalik din kami doon pero siguro ay hindi muna ngayon. Maganda rin naman sa Pangasinan. Katunayan ay saksi akong masaya rin si Luna doon noong naroon kami. "What about, Mommy? Are you coming with us, Mom?" anito saka tiningnan ang ina. Nasa bahay din nang mga sandaling iyon si Stella dahil araw ng pagbisita nito sa anak namin. Kapansin-pansin an

