"SO, it's official, paano ba 'yan, may kahati ka na sa kagwapuhan mo, De Alba!" buong pagmamalaking sabi ni Reggie pagkalabas namin ng laboratory para alamin ang result ng DNA test naming dalawa. Sa kabila kasi ng mga patunay ni uncle Nestor at Tata Tino na alam din pala ang istoryang pagkakaroon ko ng kakambal, ay in-insist pa rin ni Reggie na magpa-DNA pa rin kami. Para raw sa ikatatahimik naming dalawa, bagay na totoo nga naman. Mainam na 'yung nakakasigurado kami at hindi lang basta ang parehong mukha ang pinanghahawakan. "Okay lang kung isang De Alba rin na kagaya mo ang kahati ko, bro," nakangiti kong sabi rito. Madali kaming nagkapalagayan ng loob. Pinag-isipan ko man ito nang masama noong una, hindi nito dinibdib iyon dahil naiintindihan daw niya ako. Normal daw na hindi kaagad

