"KUMUSTA?! Nasaan na kayo?" Hindi ko akalain na darating ako sa puntong ito ng buhay ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito at ang simpleng dahilan lang ay ang panganganak ng asawa ko. Alas onse pa lamang ng umaga nang makatanggap ako ng tawag mula kay Reggie na nasa Makati Medical Center na ang mga ito kasama si Mayang, dahil nag-la-labor na diumano si Luna. Ang nakakainis lang ay wala ako roon sa tabi niya. Kasalukuyan akong narito sa Davao para sa isang business trip at bukas pa sana ang uwi. Buong akala ko ay aabot ako sa due date nito na sa isang linggo pa talaga pero hindi ko akalaing mas mapapaaga ang panganganak niya. Sana ay hindi na lang ako umalis. Sana ay si uncle Nestor na lang ang hinayaan kong mag-handle nito pero wala naman na akong magagawa pa. Narito na ako at mangangana

