MABILIS na lumipas ang mga araw at natapos na ang first sem ko. Mabigat man sa loob ay unti-unti kong natanggap na sa lagi na ay mayroon na akong kahati sa oras ng asawa ko. Maya't maya ito kung tawagan ni Agatha lalo na kung may ipapabili itong gustong kainin na pinaglilihian diumano nito. Lagi ring kasama si Reagan sa mga prenatal check up nito at nang baby. Gusto kong magselos pero ano naman ang magiging laban ko kung sakali? Anak nito ang usapan dito at alam ko na sobrang importante ng bata para sa asawa ko. Masakit man para sa akin, tinanggap ko sa sariling mas mahahati ang atensyon nito sa oras na isinilang na ang anak nito kay Agatha. "Babe, mamaya na 'yung appointment natin with Pastora Maribeth, ha? Baka makalimutan mo," sa gitna ng almusal ay malambing kong pinaalala rito ang