Chapter 64

2278 Words

"MALAPIT na ang birthday mo, Bes, ah! Kumusta? May plano ba tayo?" ani Mayang na talaga namang ikinagulat ko. Ang totoo ay nakalimutan ko na kasi na malapit na nga pala ang birthday ko, dahil sa dami ng problemang kinaharap ko nitong mga nakaraan. Sadyang nakalimutan ko na ang ilang mahahalagang bagay. Natawa ito nang matagal akong walang imik sa linya. "Huwag mong sabihing nakalimutan mo na maging ang birthday mo, Bes?" "Wala siguro, Bes," matamlay kong sagot. Kahit hindi ko naman ugaling mag-handa tuwing kaarawan ko,  iba pa rin kung sakaling maaalala iyon ni Reagan at makakasama ko siya sa araw na 'yon. Baka sakaling gawin ko iyong espesyal. Kung sabagay ay hindi ko naman alam kung alam ba nito kung kailan ang birthday ko. Hindi ko kasi nabanggit sa kanya. Hindi rin naman kasi niya na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD