"PANSAMANTALA lang naman, Sweetheart. Maselan ang lagay ni Agatha at delikado para sa kanya ang mag-isa sa condo. At least dito, pwede siyang maasikaso nina Manang Tess," sabi pa nito na lalong nagpa-kirot sa dibdib ko. Sobra kasi nito kung alalahanin ang babaeng iyon samantalang nakalimutan na kung anong mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng halaga sa kanya dahil sa mga nangyari. Pero sa pagkakataong ito ay pagod na ako. Sagad na ang pasensiya ko at ubos na ang pag-intindi ko sa sitwasyon. Hindi ko na hihintayin na mawalan na ako ng respeto sa sarili kung hahayaan kong mangyari na pagsamahin niya kami sa iisang bahay. Hindi ko alam kung naging masyado lang akong mabait o sadyang tanga lang ako para hayaan si Reagan na akalaing ang lahat ng gagawin niya ay okay lang sa