NAPATIGIL AKO SA paglalakad para sumilong. Biglang umambon kasi, nakalimutan magdala ng payong ngayong araw. Pauwi na sana ako noon. Hihintayin ko lang ang sundo ko. Natawagan ko na si Manong kanina na palabas na ako ng unibersidad. Wala naman kasi ako regular na taga-sundo gaya ng iba. ‘Yong dating cab ang na lagi kong sinasakyan ang sumusundo sa akin. Nakasanayan ko na rin kasi, tapos regular customer na niya kasi ako. Napatingin ako sa telepono ko nang tumunog. Male-late daw si Manong sa pagsundo sa akin dahil naipit siya sa traffic. Sana lang ‘wag masiyadong tagalan kasi magluluto pa ako. Wala pa naman si Ate Neri dahil limang araw siynag nakabakasyon sa probinsiya nila. May inaasika yata, matanda na rin kasi ang ina niya kaya siya ang umuwi para ayusin ang dapat ayusin. Naghanap ako