“M-MAMA,” ani ko na halos ako lang ang nakakarinig. Kasama niya si Papa Keith na malungkot na nakatunghay sa akin. Napalabi ako para pigilan ang luha nang makita ko ang pagpatak ng luha sa mata ng ginang. Muli na namang sumariwa sa akin ang nangyari sa akin at sa mga anak ni,la. “Puwede ka ba naming makausap, Anak?” “A-ano pong ginagawa niyo rito? At— paano niyo po nalamang dito ako nakatira?” “Hindi na mahalaga kung paano. Ang mahalaga sa amin ay nakita ka.” Napalunok ako sa sinabi ng ginang. Pero paano nga kaya? “Umuwi ka na sa bahay, Yvette, anak.” Napatingin ako kay Papa Keith. Alanganin akong ngumiti sa kan’ya. “M-maraming salamat po. Pero masaya na po ako dito.” Ayokong magbanggit tungkol sa mga nangyari. Hindi ko alam kung alam na ba bila. Ayokong sa akin manggaling iyon kun