"MISTER POGI!" NAPAAWANG ako ng labi nang marinig ang boses ni Ytan. Nilingon ko siya. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Napakagat ako ng kuko ko nang mapagtantong patakbo si Ytan sa gawi ni Mathew. Magkakakilala sila? Dinaanan lang ako ni Ytan ng mga sandaling iyon. Nagkatinginan pa kami ni Reyna sa ginawa niya. Kita ko ang pagluhod ni Matthew at halatang hinihintay ang paglapit ng anak ko sa kan'ya. Napapikit ako nang makitang nagpakarga nga si Ytan kay Matthew. Ang nasa isip ko ng mga sandaling iyon si Thor. Paano kung magkita ang mag-ama ko? Hindi ko yata alam ang gagawin ko kapag nangyari iyon. Hindi pa ako handa talaga. Ipinilig ko ang ulo ko kapagkuwan. Kahit si Reyna ay hindi rin pinansin ni Ytan, dinaanan din siya. Talagang si Matthew ang sadya ni Ytan. Nag-iwas ako ng tin