TAAS-NOO AKONG NAGLAKAD papasok sa building namin. Sinalubong na ako ni Farah sa labas kaya kita ko ang pagtataka ng ibang tauhan namin. Kinuha niya ang ilang gamit ko at pumuwesto sa gilid ko. Kasabay ko din si Reyn na sinundo pa ako kahit may kasama naman akong butler, mga dating tauhan ng yumao kong Lola 'yon. Dati, sumsabay lang ako sa kung sino papasakay ng elevator. Wala ring sumusundo sa akin mula sa labas, kaya hindi din ako napapansin. Kilala naman akong empleyado dito, pero hindi sa posisyong inuupuan ko ngayon. Tanging nasa executive floor lang ang nakakakilala sa akin. Bihira lang din ako gumamit ng excecutive elevator, kapag walang tao lang. Pero ngayon, dere-deretso ako doon sa harap. Si Farah ang pumindot ng button para bumukas ang elevator. Kita ko sa gilid ng mga mata ko