NAPASINGHAP AKO NANG bigla akong yakapin ng mahigpit ng ginang. Hindi ko napiglan ang sarili kong hindi mapaluha ng mga sandaling iyon. Hind na siya nagsasalita pero sobra ang hagulhol niya. Ilang sandali pa kami sa ganoong posisyon nang bumitaw siya na hilam ang luha. Ngumiti pa siya pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya. “Patawarin mo ako, Yvette. Dahil sa akin… dahil sa akin naging miserable ang buhay mo sa piling ng aking anak. Wala akong alam sa mga nangyayari sa inyo dahil palagi mong sinasabi na okay naman kayo. Kung hindi pa tumawag sa akin ang guard, hindi ko malalaman na umalis ka. Kasalanan ko ang lahat, anak. Kung hindi lang kita pinilit na pakasalan ang anak ko, eh ‘di sana nasa poder pa rin kita.” Humikbi pa siya kasabay niyon ang pagtaas-baba ng balikat niya. “M-Mama,”