“ARE YOU WITH me?” Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Reyna. Nabitawan ko pa ang hawak kong ballpen. Ginugulo na naman ni Thor ang isip ko. Nahagip kasi kagabi sa CCTV camera na bumaba siya ng sasakyan. Nasa kabilang parte, pero alam kong ako ang sadya niya. Hindi naman kasi siya pumasok sa kabilang bahay. Bandang alas onse ng gabi ‘yon kaya hindi ko nakita. Kaya pala tumatawag si Lando sa numero. Papasok na ako ng opisina nang sabihin niya iyon sa akin. Kinabahan pa ako dahil madalas pa naman maglaro si Ytan. Tapos namamasyal pa sila sa parke ng subdibisyon. May nagbabantay naman sa anak ko pero baka makita pa rin ni Thor. “Anong sasabihin ko kay Yaya? Na sa mall na lang mamasyal hindi sa park?” “Oo. Doon na lang. Maraming bata naman doon. At siguradong mag-e-enjoy siya.” Tumawa