"BILISAN MO PO, Nanay!" Lumingon sa akin si Ytan. 'Yong totoo, sila yata ang nag-usap na mamamasyal? Sila kasi magkasama. Binilisan ko ang lakad nang lumingon ulit si Ytan. Naglalakad na siya ngayon at hawak ni Thor ang kanang kamay niya. Naabutan ko sila dahil huminto sila at sabay pa akong hinarap. Nakangiti sila pareho pero kay Ytan ako nakatingin. Inirapan ko si Thor nang ibaling ng anak ang tingin sa iba pero ngumiti lang siya sa akin, at pagkatamis pa. "Anak, baka busy ang kaibigan mo. Ano kaya kung tayo na lang mamasyal? Mukhang may work pa siya." Nakatingin ako kay Thor. "No, Nanay. Day off po ni Daddy Thor. Right Daddy?" Nag-angat ng tingin ang anak sa ama niya. Pinagpantay ng dating asawa ang mukha sa anak. "Yes, baby. Araw-araw ang day-off ko for you and Nanay. Basta sabi