NAPATIGIL AKO SA paghakbang nang marinig ang boses ni Papa Keith, abot hanggang pintuan iyon. Samantalang malayo ang sala. O mas tamang sabihing dumadagundong talaga sa sobrang galit. “Sa tingin mo ba mananalo ka sa kasong ito, Thor? Tandaan mong anim na taong gulang pa lang si Ytan! At ikaw itong nagloko bago ka iniwan ng asawa mo!” Halata ang gigil sa boses ni Papa Keith. Ganoon talaga si Papa kapag sobrang galit, kapag hindi nagustuhan ang ginawa ng mga anak. At mukhang hindi niya gusto ang ginawa ni Thor.. Wala akong marinig na sagot mula kay Thor. Tama naman si Papa. Sa totoo lang may laban ako. Hindi mananalo si Thor dahil anim na taong gulang si Ytan, kailangan nasa poder pa siya ng ina, kaya papanigan ako ng korte. Isa pa, maganda ang buhay na naibigay ko sa anak ko sa loob ng