JULIA “Saan kayo galing? Bakit ngayon lang kayo? At bakit hindi mo sinasagot yung phone mo, Juling?” napapikit ako dahil sa dami ng tanong ni Maybelle pag-uwing-pag-uwi namin nila Pining. After kasi nung eksena sa restaurant, dumaan lang kami sa studio para sunduin si Charity, tapos umuwi na kami kasi nga sabi ni Cha, kanina pa daw tawag nang tawag si Maybelle at tanong nang tanong kung nasaan kami. So instead na magdidinner pa sana kami nila Pining at iinom ng kahit konti lang, eto, derecho kami sa bahay nila Klarisse. May pa-dinner daw kasi si Charlie. At pag-uusapan yata yung byahe namin pa-Batangas. Oo nga pala, bukas na pala yon. Buti pinaalala ni Charity. Kailangan ko pa palang mag-ayos ng gamit mamaya. “S-sumabay na ako kila Pining. N-nakatulog ako kasi sa t-tent n’ya.” ugh! Baki