JULIA Please Love, talk to me. Yung tayo lang dalawa. Pag-usapan natin ‘to, please. I miss you so much and I still love you. I’ll wait for you sa favorite nating resto mamayang 7pm. Kung hindi ka pupunta, ibig sabihin, tinatapos mo na talaga yung lahat sa atin. “I know that look, and no! Hindi kita papayagan na pumunta d’yan. Nasisisiraan ka na ba ng ulo? Talagang iniisip mo talagang makipagkita sa ex mo? Nakalimutan mo na ba yung ginawa n’ya sa’yo nung nasa studio kayo? Buti na lang dumating si Meng non! Wag masyadong marupok, Julia! At isa pa, may asawa na yang si Gimo. Bakit ba ayaw ka pa n’yang tantanan?” sabi ko na nga ba ganito yung magiging reaksyon nitong si Pining kapag pinabasa ko sa kanya yung message ni Gimo eh. “At bakit ba nakakapagmessage pa yan sa’yo? Akala ko binlock mo