JULIA “Bakit ganyan yung itsura mo, high ka ba? Alam mong hindi pwedeng pumasok kapag nakasinghot diba? Kung ako sa’yo, uuwi na lang ako at magpapa-sober muna bago magpakita sa director.” pabulong, pero may gigil yung pagkakasabi ni Jops sa akin. Dito kasi ako naka-assign ngayon sa taping nila dun sa sitcom na ginagawa n’ya. At talagang hinila pa ako ng lintek na ‘to sa isang tabi para lang sabihin ‘yon. Siraulo talaga. Kaibigan ko ba talaga ‘to? Ano kayang masamang elemento yung pumasok sa kukote n’ya para isipin na nagddrugs ako? “Pinagsasabi mo, hindi ako high! Yosi nga, hindi ko na-try, drugs pa? At ano yung nagtulak sa’yo para sabihin yan sa akin?” inis na tanong ko sa kanya. Kung anu-ano kasing kalokohan yung pinag-iisip ng babaeng ‘to. Adik ata. S’ya yata yung adik eh. “Tingnan