JULIA “Huy Juling! Juling, gising!” napasimangot ako nang maramdaman yung pagyugyog sa akin ni Tasing. Ano ba naman yan? Halos kakatulog ko lang dahil sa kakaisip ko ng nangyari kagabi, tapos ganito? Konting konsiderasyon naman sana. Palibhasa sila, ang aaga nakatulog kagabi. “Hmmm.” yun na lang yung inireact ko at sana, magets n’ya na gusto ko pang matulog. “Gising kase! Tingnan mo ‘to o! Trending si Gimo at si Chelsea!” kinuha ko yung na nasa tabi ko at iniharang sa tenga ko para magets n’ya na hindi ako interesado sa kung ano man yung nangyayari sa buhay nung dalawa. “At si Celestine!” okay, nakuha non bigla yung atensyon ko kaya napabangon ako. “Sabi ko sa’yo, yun yung magpapabangon d’yan eh. Pero bago ka magreact Juling, magtoothbrush ka muna dahil baka hindi ka namin matantya