JULIA “What the f**k?!” nun lang ako natauhan nung narinig ko yung reaksyon na yon galing kay Klarisse. s**t! Agad akong napahawak sa labi ko na hinalikan ni Celestine kani-kanina lang. “Hindi naman ako nakainom or lasing lang or naghahallucinate lang no? Nagkaroon talaga ng lakas ng loob si Tin na magtapat kay Julia?” takang napatingin naman ako sa kanilang dalawa dahil don. Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan na may mga kasama pala kami ni Celestine dito kanina? Pero ano daw yung sabi ni Klarisse? “Alam n’yo? I mean, oo, tinutukso n’yo kami, pero totoo pala ‘yon?” tanong ko pa sa kanila na ikinatawa nilang dalawa. Ano namang nakakatawa don? Ang seryoso ng tanong ko diba? Wala namang nakakatawa. “Mana ka nga talaga kay Maybelle. Pero alam mo, dapat magpasalamat ka din kay Ariel.