JULIA “Sabi ni Tin, okay naman yung naging usapan kagabi ng parents mo at parents n’ya, so bakit ganyan yung mukha mo? At saka ano ba talaga yung napag-usapan n’yo don? So payag nga sila sa relasyon n’yo? O napagalitan kayo pareho? Aba, kausapin mo kami para maintindihan namin yung pinagkakaganyan mo! Hindi kami manghuhula para malaman kung bakit ka nag-iinaso d’yan. So, ano ngang nangyari?” ano ba yan! Hindi man lang talaga nila ako pinagpahinga sa pag-iisip no? Pagdating ko pa lang dito sa shop n’ya, ang kulit-kulit na ni Klarisse at ang dami ng tanong about dun sa nangyari kagabi. Kahit nga sa gc namin kagabi, ang kukulit nila kaya hindi ko sinagot. Pero si Celestine, sinagot sila ng ‘it went well’, kaya eto, ayaw akong tigilan. “Pwede bang saka na lang natin pag-usapan yan? Kapag