JULIA “You look so happy.” napatigil ako sa pagsasarado ng pinto ng kwarto nung narinig ko yung sinabing ‘yon ni Pining. Napa-‘oh’ ako nung nakita kong silang tatlo nila Meng at Tasing yung nasa loob ng kwarto namin ngayon. Bakit kumpleto silang tatlo dito at bakit gising pa sila? Akala ko nung umakyat silang lahat kanina, matutulog na sila. Kaya nga ginamit ko yung pagkakataon na yon para makausap si Celestine at ibigay sa kanya yung regalo ko. At pagkatapos nung konting moment na ‘yon na nagpaabnormal na naman ng t***k ng puso ko, umakyat na rin ako dahil maaga pa akong pupunta dun sa isdaan bukas. “Lagi naman akong masaya diba? At isa pa, masaya ako kasi successful yung surprise natin para kay Celestine. Nakita n’yo ba kung gaano s’ya kasaya kanina?” sagot ko na lang sa kanya bago tu