CELESTINE “Hey. Hindi ko na itatanong dahil halatang-halata naman sa mga ngiti mo. Pero I’m glad na nakikita kong masaya ka. Yung saya na abot sa mata ha. Kapag kasi nakikita pag nagrereunion yung family natin, lagi ka lang tahimik sa isang tabi, tapos kahit ngumingiti ka, malungkot yung mga mata mo. Pero iba yung ningning ng mga mata mo ngayon.” mas lalo naman akong napangiti sa sinabing ‘yon ni Justine. And she’s right. Sobrang saya ko ngayon. Akala ko, magiging parang normal na araw na naman yung birthday ko ngayon, pero mali ako. Sino ba naman kasi yung mag-aakala na may pa-surprise pala sila sa akin na ganito. Ang gusto ko lang naman talaga, makasama si Julia ngayong araw, pero sobra-sobra pa yung natanggap ko. Bukod sa kasama ko s’ya, kasama din namin yung mga kaibigan namin. At k