JULIA “Aba naman, magaling ka na agad? Parang nagdahilan ka lang kahapon ah. Sure ka bang keri mo nang magluto? At ang dami ha. Baka mabinat ka n’yan. Mas lalo kang malagot sa manager mo.” Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig yung sinabing ‘yon ni Maybelle. Hindi naman siguro si Celestine yung kausap n’ya no? Though, nung iniwan ko naman s’ya kagabi bago s’ya makatulog, bumaba na naman yung lagnat n’ya at mukhang mas okay na s’ya kesa nung una akong pumasok sa kwarto n’ya. Masunurin naman kasi. Kapag ginigising ko para kumain o uminom ng gamot, go agad s’ya. Akala ko nga, pagsisisihan ko yung pagvovolunteer na bantayan s’ya, pero hindi pala. Nung pinagmamasdan ko kasi s’ya habang natutulog, naisip ko, bakit ko nga ba s’ya kailangang iwasan ulit, eh magkaibigan lang naman tala