JULIA Napangiti ako paggising ko dahil mga huni ng ibon at mga tiktilaok ng manok yung narinig ko. Ang sarap talaga sa probinsya. Mas masarap na ganito yung magigisingan mo kesa naman yung maiingay na sasakyan, o kaya mga ingay kapag may ginagawang building. Jusko. At dahil maganda yung gising ko, nakangiti akong nagmulat ng mga mata. Muntik pa akong magpanic dahil iba yung itsura nung kwarto, pero naalala ko nga palang nandito kami kila Celestine kaya kumalma ako at nakangiti uling binuksan yung bintana. “Good morning, Batangas!” masayang sabi ko pa habang pinagmamasdan yung mga puno sa labas. Namiss ko yung ganito, ang fresh ng hangin. Hindi tulad sa may Maynila, puro usok ng tambutso, ew. “Wow, ang saya natin ah. Ganda ng gising, Juling?” oo nga pala, may mga kasama nga pala ako di