JULIA “Ano??!!! Anong kagagahan yang pumasok sa isip mo at pumayag ka? Siraulo ka ba? Oo nandun na ako na naawa ka sa kalagayan n’ya. Pero yung araw-araw na pumunta, ano ka, girlfriend pa rin n’ya? Sana sinabi mong marami kang ginagawa. Kaya pala ang tagal naming naghintay sa’yo, aba’y kung anu-ano pa pala yung ginawa mo. Ano ka ba naman, Julia? Talaga bang hindi ka nag-iisip? O so papa’no mo sasabihin yan kay Tin?” sabi ko na nga ba eh. Naisip ko kanina kasi na wag na lang ding sabihin sa mga kaibigan ko tutal, ilang araw ko lang naman gagawin yung ipinangako ko kay Ate Heidi. Ni wala nga akong planong magtagal sa ospital non. Parang pupunta lang ako para magpakita, tapos aalis na ulit. “Hindi naman sa ganon, Meng. Kaya lang, sa akin kasi umaasa yung kapatid n’ya kasi nga parang wala n