JULIA “Eh kung maglaro na lang kaya tayo ng sequence? Lagi naman akong talo dyan sa UNO. Ayaw ko na n’yan! Basta dapat kampi kami ni Klang ah!” nailing na lang ako sa reklamo na naman ni Maybelle. Kanina pa sila dito nila Tasing at Klarisse at kanina pa rin s’ya nagrereklamo dahil lagi s’yang talo. Tingin ko sila yung nakatoka ngayon na magbantay sa akin. Ilang araw na rin kasi simula nung aksidente nila Gimo, at hanggang ngayon, hindi pa ako pumapasok at nakakulong lang lagi sa bahay. Simula nung nakabalik kami from Batangas, hindi pwedeng walang pupunta dito sa bahay namin para ‘bantayan’ ako, at minsan, andun kami sa bahay or shop nila Klarisse. And araw-araw na dito dumederecho si Celestine pagkatapos ng mga commitments n’ya. Alam kasi nila na hanggang ngayon, dinadamdam ko pa yung