CELESTINE “Ay te, baka naman ika’y madulas diyan sa ginagawa mo o kaya bigla kang matapilok? Ay maaga pa naman ah. Bakit ka ga nagmamadali? Ay kung mapapaaga naman si Julia dito’y malamang eh hihintayin ka. Ay kung hindi ka mag-iingat eh baka lalong hindi matuloy yang date ninyo. Ay siya sa ospital ka bigla makikipagdate.” bigla akong napatigil sa paglalakad. Oo nga no? What if bigla akong matapilok dito? Di mas lalo akong masstress dahil malamang, hindi matutuloy yung date namin ni Julia. May point si Rian. Maaga pa naman talaga. Kaya lang, ewan kung anong problema nitong trainer ko at ayaw pang tapusin training namin ngayong araw. Kung kelan naman talaga kailangang maaga akong matapos, saka pa s’ya gaganyan. “Hindi ko kasi alam kung ano yung problema ni Frances at ayaw pa n’yang tapus