[MBI-THIRTY-THREE] KYRAN'S POV AISH! Napabalikwas ako ng bangon. Darn! Pinilig ko ang ulo ko dahil parang naalog yata ang utak ko sa pagsipa niya. Padabog akong bumaba ng kama at nakapamaywang na pinagmasdan siya. Mukhang inborn na talaga sa kanya ang pagiging malikot sa pagtulog. Iyong ulo niya kasi nasa paanan na ng kama at iyong mga paa niya naman ay nakasandal na sa headboard. Tapos 'yong damit niya, nakataas na, pero hanggang baywang lang naman. Lumapit ako at ibinaba 'yong damit niya at kinumutan siya. Seriously? May mas lalaki pa ba sa King and Queen size bed? Dahil kung talagang mayro'n ay bibili ako. She really liked roaming around the bed. Napasulyap ako sa relo ko. Napakaaga ko naman yatang nagising, at exactly four o'clock in the morning. I fix myself and then step outside.