[MBI-THIRTY-FOUR] LYKA'S POV "NO way!" angal ni Haileyparot. Epal din siya ano? "Tumahimik ka nga!" sita sa kanya ni Landon sabay hila kay Hailey papasok sa elevator. Ahm? Ano ba gagawin namin? "Ano gagawin natin?" taka kong tanong. "Nothing," sagot niya. "Nothing? Ganoon? Eh wala naman pala tayong dahilan para magpaiwan dito eh," sabi ko. "I want to be alone—with you. Is that enough?" Ano daw? Bingi lang! Gosh! Talaga? Tama ba rinig ko? Bigla naman niya ako hinila papasok sa isang kuwarto. Nagwawala na naman ang puso ko. Ah! Bakit ba naging ganito siya bigla. Nang makapasok kami sa loob ay humiga siya sa isang malaking sofabed. Tinapik niya naman 'yong upuan na para bang pinapaupo niya ako. Ha? Hinila niya 'yong kamay ko at pinaupo sa lap niya at niyakap pahiga. "Sleep," sabi n