[MBI-THIRTY-ONE] LYKA'S POV NANG makarating kami sa Airport ay agad kaming sumakay sa isang private plane. Ang yaman talaga ni Kyran. Speaking of eroplano! First time kong sumakay sa ganito kagarang eroplano at pinagpapawisan na naman ang mga kamay ko. Bakit kasi kailangan pa akong sumama. "Good luck sa Honeymoon," bulong ni Landon nang lumagpas siya sa akin. Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ha? Honey? Honeymoon? Oh hindi! Ito na ba 'yong sinasabi niya kaninang umaga. Ito na ba 'yong? End of the Philippines? s**t! Tumabi naman bigla si Kyran sa akin. Kinausap niya pa kasi iyong auto pilot kanina. "Are you okay? Your knees are trembling," sabi niya. "Ha? Yeah, okay lang ako," sagot ko. Huwag naman sana niyang mahalata ang matinding kaba ko. Hinawakan niya naman bigla an