[MBI-THIRTY] LYKA'S POV NAGULAT ako sa narinig kong ingay mula sa kusina. Para bang may nabasag kaya napatakbo ako agad sa kusina. "For God sake! How many times do I have to tell you that I am alergic to spicy foods! Damn it!" galit na sabi ni Kyran. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga basag na pinggan sa sahig. Para akong nawalan ng dugo sa narinig ko. Hindi ko alam. Wala talaga akong alam na alergic siya sa maanghang. Prawn ala Bicol express kasi 'yong iniluto ko. "You two are fired!" bulyaw ni Kyran sa dalawang katulong. Nataranta ako kaya agad akong sumingit. "Kyran sandali lang. Ako..." Napatigil ako dahil sa tindi ng galit sa mga mata niya. Napalunok ako at ang mga tuhod ko ay nanginginig na sa kaba. "Ako ang may gawa niyan...ako ang nag—na