“Sobrang laki naman yata para sa amin nitong tutuluyan namin,” namamanghang sabi ni Ara nang makaakyat sila sa ikalawang palapag. “Mas okay na ito, maayos at kumportable kayo,” sagot ni Angelo. “Ly, ito na lang siguro ang magiging kuwarto mo. At yung sa dulo ang sa inyo ni Luke, Love. Oh, wait! Diyan na pala muna kayo, kukunin ko muna iyong mga gamit niyo sa sasakyan para maiayos niyo na,” dugtong nitong sabi. “Akin na pala si Luke, kuya,” sabi naman ni Lyka. Kukunin kasi nito ang mga gamit nila sa sasakyan kaya hindi naman puwede na karga pa rin nito si Luke. Kaagad naman nito ibinigay si Luke saka umalis na. Nang umalis na ito ay kaagad ng pumasok sa loob sina Ara at Lyka upang tingnan ang loob ng magiging kuwarto ni Lyka. Halos kumpleto na rin pala ang kagamitan sa loob ng kuwarto