Pagkatapos maiayos ni Ara ang mga gamit nila sa kuwarto ay nagpahinga muna sila ng kaunti bago pumunta ng market para mamili ng mga lulutuin. Kasama niya si Angelo habang si Lyka naman ang naiwan kay Luke. “Love, may gusto ka bang ipaluto?” tanong ni Ara kay Angelo. Kagagaling lang nila sa isang grocery store at patungo na sa isang meat shop. “Wala, eh. Ikaw kasi ang gusto kung kainin,” bulong ni sa kanya dahilan para mahampas niya ito nang bahagya. “Ikaw talaga. Nagtatanong ako ng maayos, ah,” wika niyang may pairap pa. “Sorry na. I like what you cook last time. Nasarapan ako roon,” sagot nito saka binuksan iyong pinto ng meat shop at pinaunang pumasok si Ara. “Okay. Ipagluluto kita ulit niyon. Ano nga pala paborito mong pagkain?” tanong ni Ara. “Well, wala naman akong paboritong fo